My One Vote

I was in my second year college when when I first learn that I can register to vote on election. I remember when my friend and I took the long registration line, starting at 4am. We were excited and tired at the same time. But we thought... it was all worth it.

Yesterday, I voted again. This is my third national election participation but the enthusiasm is not the same as the first and second time I voted. I was actually contemplating if I will vote or not. Wala na talaga kasi akong mapili eh! I voted for three senatorial candidates which I think is okay okay na rin. Only two made it to the top 12.

Then last night, the number of votes started coming in. The result was not surprising knowing that Nancy Binay made it on Top 12 (#5 pa nga e). But I felt damn so disappointed that Filipinos have not learned any lesson yet. There are more than 11 Million voted for her... tsk tsk... due to name recall (I should say!). Yes, this is a free country and sometimes, sa sobrang free eh,... bara bara na lang. Mahirap din isipin na eto na ang katotohanan because I'm hopeful that somehow Filipinos will realize her incompetency in a senatorial position.

So after campaigning a NO VOTE for you Nancy Binay, na sa ngayon alam ko pumapalakpak ang tenga mo at ng mga ka-partido mo dahil naisahan mo/nyo kaming mga hindi bumoto sayo. Katulad ng ibang kandidato na paulit ulit nahahalal tapos wala naman ginagawa e, ay di ko rin alam kung ano pa talagang plano mo para sa amin. HINDI TALAGA KITA IBINOTO KASI HINDI NGA AKO NANINIWALA NA MAGKAKAROON NG MALAKING PAGBABAGO SA PAGPASOK MO SA SENADO PERO alang alang sa mga naniwala sayo at natanga mo, gawain mo ang trabaho mo ng mahusay! Hindi na ang pamilya mo ang pinag-o-OJT-han mo kungdi buong sambayanang Filipino. You owe it to them. Take this as a challenge and not something like naibigay mo na ang gusto ng ka-partido mo at nahalal ka na so okay na rin. Naiinis pa rin ako na nakapasok ka sa Top 12 habang sinusulat ko ito pero wala na akong magagawa kundi ang mag move on. Hindi naman gaganda ang. buhay ko kung nanalo o natalo ka. Pasalamat ka sa epelyido mo at nailuklok ka sa pwesto mo ngayon at sa kasaysayan ng Pilipinas. Nawa'y totoog busilak ang puso mo sa pagsisilbi sa bayan na sa umpisa pa lang ay walang linaw ang plano mo. Si Mirriam na ang bahala sayo sa senad. lol

At sa mga bumoto kay Nancy Binay at sa ibang pulitiko na alam nyo naman sa tinagal ng panunungkulan ay walang nagawa, wag kayong mag rereklamo sa mga susunod na panahon kung bakit mahirap pa rin or pahirap ng pahirap ang buhay nyo. Ginusto nyo yan eh!

And Nancy Binay, sana alam mo ang sinabi ni President Manuel L Quezon na

"my loyalty to my party ends where my loyalty to my country begins".

No comments:

Post a Comment

what do you think?

Related Posts with Thumbnails